Ang Pinoy Nga Naman

Isang pagtatangka – ang Pinoy mula sa lente ng kamera.

Archive for the ‘trapo’ Category

mata ng caloocan

Posted by buhaypinoy மேல் மே 8, 2006

matangcaloocan01.jpg

Yan ang mata ng caloocan

hinahayaang mameligro ang

buhay ng kabataan.

Advertisements

Posted in trapo | 3 Comments »

Isang panawagan

Posted by buhaypinoy மேல் மே 4, 2006

conniedy02.jpg

Nakakainis talaga ang mga trapo.  Sila ang mga salot sa lipunanang ito.  Ginagamit ang pera ng bayan sa mga walang katuturan.   Kung anu anong mga billboard at banners.  Isusulat ang mga pangalan sa pader.  Gagastusin ang pera ng bayan para sa libreng promotion ng mga pangalan nila.

Pipilitin kong kumuha ng mga litrato ng mga kabulastugan ng mga trapo.  Pero tulungan nyo sana ako.  Kung may makikita kayong kabulastugan ng trapo tulad ng mga poster at billboard na pinag aaksayahan ng pera, kunan ng litrato.  I expose natin sila.  Pwede nyong ipadala sa akin sa watawat2000@yahoo.com para mai post ko sa blog na ito.  Babanggitin ko na hindi sa akin nanggaling ang litrato.

Kapag may sapat na akong maiipon na litrato, ipapa ad sa dyaryo para hwag silang iboto.

Sa hangad nating pagbabago, ibasura ang mga trapo!!!

Posted in trapo | 3 Comments »

Let’s Go

Posted by buhaypinoy மேல் மே 2, 2006

beautyproject01.jpg

Ano daw?
Ang karatulang pansit.
Lahat sinabi na.

Posted in nakakatuwa, trapo | Leave a Comment »